Tinnitus

Teknolohiya


Ang karamihan ng mga taong may tinnitus ay pangunahing dumaranas palagi ng stress at mental na pagkapagod dahil sa kundisyon. Ito ay dahil pinoproseso at dine-decode ng ating mga auditory canal at ng ating mga utak ang bawat acoustic signal na natatanggap ng ating mga tainga: Saan nanggagaling ang ingay? Gaano ito kalakas? Ito ba ay binigkas na salita? At kung oo, ano ang ibig sabihin nito?

Kahit na hindi natin naisasara ang ating mga tainga sa paraang gaya ng naisasara natin ang ating mga mata, may kakayahan ang ating mga brain stem na masala nang hindi natin namamalayan ang mga indibidwal na signal na nauuri nitong walang kahulugan. Ito ang dahilan kung bakit, halimbawa, naririnig ng mga magulang kapag umiiyak ang kanilang mga anak sa gabi, pero hindi sila nagigising kapag may kumakatok sa pinto.

Ang ating mga utak

may kakayahang

tumuo sa ilang partikular na tunog



Mga Solusyon para sa Tinnitus

Nag-aalok ang HANSATON ng mga hearing aid na pinagsasama ang pagpapahusay sa pandinig at suporta para sa tinnitus therapy. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng amplification sa saklaw na apektado ng paghina ng pandinig, makakarinig ang iyong mga kliyente ng higit pang pang-araw-araw na tunog, habang posible ring hindi na masyadong naririnig ang tinnitus. Sa mga tahimik na sandali, maaaring i-on ng iyong mga kliyente ang noise generator, na maaaring makatulong sa kanilang katawan na umangkop at matutong mag-compensate para sa tinnitus.

May opsyon ka: hayaan ang aming mga praktikal at hindi nakikitang in-ear na modelo na suportahan ang iyong tinnitus therapy o pumili ng mga designer na hearing aid ng HANSATON para sa eleganteng anyo at mga kumbinasyon ng kulay. Alinmang istilo ang pipiliin mo, makakaasa ang iyong mga kliyente ng higit na relaxation sa pang-araw-araw na buhay.

Maaaring i-enable ang aming Tinnitus Manager noise generator nang mayroon o walang amplification ng tunog, kaya naaangkop ito para sa mga kliyenteng mayroon o walang mahinang pandinig.  Maaaring i-enable ang Tinnitus Manager at maaari itong paisa-isang i-customize sa bawat hearing aid program.  Gayundin, para sa bawat program, maaari mong i-enable ang kakayahan para sa iyong mga kliyente na i-adjust mismo ang antas ng noise generator sa pamamagitan ng kanilang mga kontrol sa hearing aid o sa pamamagitan ng stream remote App, para sa mga wireless na hearing system. 


Product Overview

Matuto pa tungkol sa aming mga pinakabagong hearing aid

Tungkol sa HANSATON

Matuto pa tungkol sa aming misyon at layunin.

Disenyo

Isang aesthetic na karanasan sa pandinig.