Patakaran sa Privacy sa Web at Cookie
Ipinatupad ang Patakaran sa Privacy sa Web at Cookie ("Patakaran") na ito upang ipabatid sa iyo kung paano isinasagawa ng Sonova AG, bilang data controller, na may nakarehistrong address sa Laubisruetistrasse 28, 8712 Stäfa, Switzerland, at ng mga subsidiary nito ("Sonova" o "kami" o "namin") ang pagproseso ng iyong Personal na Data sa panahon ng iyong pagbisita sa website na ito, at kung aling cookies at iba pang katulad na teknolohiya ang ginagamit ng Sonova.
Maaaring kailanganin sa ilang partikular na serbisyo na ibinibigay ng website na ito na mangolekta at magproseso ng iyong Personal na Data. Kung ayaw mong ibigay ang iyong Personal na Data, maaaring hindi mo ma-access ang ilang partikular na bahagi ng website, o maaaring hindi kami makasagot sa iyong kahilingan.
PINOPROSESONG PERSONAL NA DATA AT MGA LAYUNIN
Sa panahon ng iyong pagbisita sa website na ito, maaaring kolektahin ng Sonova ang sumusunod na Personal na Data:
- Iyong titulo sa pangalan, pangalan, apelyido, email address, postal address, numero ng telepono
- Sensitibong data gaya ng data ng kalusugan
- Impormasyon tungkol sa iyong paggamit ng website
Ang tatlong legal na batayan namin sa pagkolekta ng iyong Personal na Data ay ang iyong pahintulot, ang aming lehitimong interes at ang aming legal na kinakailangan.
Maaaring kolektahin ang Personal na Data na iyon para sa mga sumusunod na layunin:
- Batay sa iyong pahintulot: para sa paggawa ng iyong account, para makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng form sa pakikipag-ugnayan, para makasagot ang Sonova sa mga user, para kumuha ng online na pagsusuri sa pandinig
- Batay sa aming lehitimong interes: para masuri ang performance ng website, para mapahusay ang aming mga serbisyo at ang functionality ng aming website
- Para matugunan ang mga legal na kinakailangan (ibig sabihin, para tumugon sa mga legal na pagsisiyasat)
PAGHAHAYAG NG PERSONAL NA DATA
Hindi kami magbebenta, magbabahagi o kung hindi naman ay magbibigay ng iyong Personal na Data sa mga third party maliban sa pagbibigay nang alinsunod sa Patakarang ito. Maaaring ibahagi ng Sonova ang iyong Personal na Data sa mga sumusunod na third party: sa mga subsidiary at iba pang entity na grupo ng Sonova; sa aming mga partner, co-contractor at subcontractor para matiyak ang wastong pagpapatupad ng website at mga serbisyo; sa mga awtoridad sa publiko o pamahalaan kung iniaatas ng batas.
PAGPAPADALA NG PERSONAL NA DATA
Ang mga third party na maaari naming padalhan ng Personal na Data ay maaaring nasa labas ng bansa kung saan pinoproseso ang iyong Personal na Data. Kung ganito ang sitwasyon, at kung matatagpuan ang tumatanggap na third party sa isang bansa na hindi itinuturing na nagbibigay ng sapat na antas ng proteksyon para sa Personal na Data ayon sa batas sa proteksyon ng data ng EU o iba pang naaangkop na batas sa proteksyon ng data, magpapatupad kami ng mga naaangkop na pamamaraan at hakbang upang matiyak ang sapat na antas ng proteksyon.
Maaaring magkakaiba ang mga ganitong hakbang ng bawat bansa, alinsunod sa nalalapat na batas. Kung gusto mong malaman ang higit pa tungkol sa mga legal na proteksyon at mekanismong ipinatutupad, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa address na ibinigay sa seksyong “Makipag-ugnayan sa amin”.
PAGPAPANATILI NG PERSONAL NA DATA
Pananatilihin ang Personal na Data nang hindi lalampas sa kinakailangang tagal ng panahon para sa mga nabanggit na layunin sa itaas. Ibig sabihin nito, tatanggalin na ang Personal na Data sa sandaling maisagawa na ang layunin ng pagproseso ng Personal na Data. Gayunpaman, maaaring panatilihin ng Sonova ang Personal na Data nang mas matagal kung kinakailangan para sumunod sa naaangkop na iniaatas ng batas, o kung kinakailangan ito para maprotektahan o magamit ang aming mga karapatan.
SEGURIDAD NG PERSONAL NA DATA
Nagpapatupad ang Sonova ng iba't ibang panseguridad na hakbang para maprotektahan ang Personal na Data mula sa mga insidente sa seguridad o hindi awtorisadong paghahayag. Nakabatay ang mga panseguridad na hakbang na ito sa mga naaangkop na pamantayan ng seguridad sa industriya at kinabibilangan ito, kasama ng iba pang bagay, ng mga kontrol sa access, password, pag-encrypt at mga regular na pagtatasa sa seguridad.
IYONG MGA KARAPATAN SA PRIVACY
Kung maaaring nauugnay alinsunod sa nalalapat na batas sa proteksyon ng data, maaari kang humiling ng pag-access, pag-abiso, pagwawasto, pagtatanggal, portability ng iyong Personal na Data, paglimita o pagsalungat sa pagproseso ng iyong Personal na Data o pagbawi ng iyong pahintulot. Mayroon ka ring karapatan na kaugnay ng naka-automate na pagdedesisyon at pag-profile. Pakitandaang nakadepende sa sitwasyon ang paggamit ng mga naturang karapatan at napapailalim iyon sa mga legal na limitasyon.
Kung mayroon kang anumang alalahanin tungkol sa iyong Personal na Data o gusto mong gamitin ang iyong karapatan, mangyaring makipag-ugnayan sa amin.
Mayroon ka ring karapatang maghain ng reklamo sa iyong lokal na awtoridad sa pangangasiwa o sa tagakontrol na may angkop na kakayahan kung itinuturing mong lumalabag sa nalalapat na batas ang pagproseso ng iyong Personal na Data.
PATAKARAN SA COOKIE
ANO ANG COOKIES?
Ang cookies ay maliliit na file na sino-store ng karamihan ng mga internet browser upang i-track ang impormasyon ng bisita at bigyang-daan ang Sonova na gawing mas may kaugnayan sa iyo ang iniaalok nito sa web. Kapag bumibisita ka sa aming website, gumagamit ang Sonova ng apat na uri ng cookies. Nakadepende ang panahon ng pananatili ng mga ito sa bawat bansa at sa nauugnay na batas sa paggamit, ngunit iso-store namin ito sa loob ng hindi bababa sa anim na buwan alinsunod sa mga alituntunin ng awtoridad sa proteksyon ng data ng France.
PAANO NAMIN GINAGAMIT ANG MGA ITO?
Gumagamit kami ng cookies para:
- Kumuha ng impormasyon tungkol sa iyong mga setting ng browser, domain name, internet service provider, iyong operating system, ang petsa at oras ng pag-access, lokasyon, uri ng device na ginamit para ma-access ang website namin at magsagawa ng pamamahala sa system
- Kumuha ng impormasyon tungkol sa iba pang website na nabisita mo o uri ng mga paghahanap na ginagawa mo upang mapino namin ang karanasan mo
- Mapigilan ang aktibidad ng panloloko at mapaigting ang seguridad
- Malaman at masuri ang iyong mga kagustuhan sa pag-browse at ang mga produktong kinaiinteresan mo
- Maiugnay sa mga layuning pangnegosyo at teknikal ang iyong nakaraang gawi sa website kapag nagparehistro ka gamit ang iyong mga detalye sa isang website ng Sonova
Kami ang nagtatakda ng ilan sa cookies na ginagamit ng aming mga website, at ang ilan ay itinatakda ng mga third party sa ngalan ng Sonova. Nagbibigay-daan ang paggamit namin ng cookies mula sa mga third party sa mga naaangkop na pag-advertise, ibig sabihin, maaari kang makakita ng advertisement para sa Sonova sa iba pang website na binibisita mo.
ANONG MGA URI NG COOKIES ANG GINAGAMIT NAMIN?
- Mahigpit na kinakailangang cookies: kinakailangan ang cookies na ito para maibigay namin sa iyo ang mga pangunahing functionality ng aming website at hindi ito maaaring i-off sa aming mga system.
- Cookies para sa performance at analytics: nagbibigay-daan sa amin ang cookies na ito na mabilang ang mga pagbisita at source ng trapiko para masukat at mapahusay ang performance ng aming website.
- Cookies para sa functionality: ginagamit ang cookies na ito para magbigay ng pinahusay na functionality at pag-personalize kapag bumibisita ka.
- Cookies sa pag-target o pag-advertise: maaaring itakda ng aming mga partner sa advertising ang cookies na ito sa aming website upang bumuo ng profile ng iyong mga interes at magmungkahi sa iyo ng nauugnay na adverts.
Maaari ding gumamit ang aming mga website ng Google Analytics, isang serbisyo ng web analytics na ibinibigay ng Google, Inc. (“Google”). Gumagamit din ang Google Analytics ng Cookies upang tulungan ang website na masuri kung paano ginagamit ng mga user ang site sa maraming device. Ipapadala sa at iso-store ng Google ang impormasyong nabuo ng cookie tungkol sa paggamit mo ng website, at kabilang dito ang pagpapadala nito sa United States. Upang matuto pa tungkol sa Google Analytics, mag-click dito. Maaari kang mag-opt out sa pag-track ng Google Analytics na magkakabisa sa hinaharap sa pamamagitan ng pag-download at pag-install ng Google Analytics Opt-out Browser Addon para sa iyong kasalukuyang web browser.
PAANO PAMAHALAAN ANG COOKIES?
Ang bawat uri ng cookie ay tumutugon sa isang partikular na layunin, at madali mong magagawa sa aming website na magpahintulot nang partikular sa bawat layunin. Sa pamamagitan ng pagtanggap sa lahat ng cookies, magkakaroon ka ng ganap na naka-personalize na karanasan sa web. Pinapayagan ka naming piliin kung aling mga uri ng cookies ang tatanggapin o iba-block mo, ngunit maaari itong makaapekto sa karanasan mo sa website at sa mga serbisyong iniaalok namin (gaya ng nabanggit sa itaas). Gayunpaman, magagamit mo ang serbisyo kahit na tumanggi kang pahintulutan ang ilang cookies, maliban para sa mahigpit na kinakailangang cookies. Magagawa mo sa anumang oras na bawiin o baguhin ang iyong pahintulot sa pamamagitan ng pagpunta sa page na “Mga Kagustuhan sa Cookie”.
Nakadepende sa nalalapat na batas na kaugnay ng cookies sa iyong bansa ang paraan para makapagbigay ka ng pahintulot na partikular sa bawat layunin, o para matanggap mo ang lahat ng cookies, at madali itong mahanap at maipaliwanag sa banner ng cookie.
Kung hindi ka interesado sa mga pakinabang ng aming Cookies, maaaring magbigay ng mga tagubilin ang function na “Tulong“ ng iyong browser tungkol sa kung paano mapipigilan ang Cookies o made-delete ang kasalukuyang Cookies. Gayundin, maaari mong alamin kung paano i-block ang lahat ng bagong Cookies sa iyong browser at kung aling mga hakbang sa configuration ang kinakailangan upang makatanggap ng notification tungkol sa bagong Cookies.
Maa-access ang labis na kapaki-pakinabang na impormasyon sa Cookies sa pangkalahatan sa mga website na ito: http://www.allaboutcookies.org/ o sa https://cookiepedia.co.uk .
MGA SOCIAL MEDIA PLUG-IN
Ang mga social media plugin ay bahagi ng ilang partikular na web page ng Sonova, at umiiral ang mga ito para sa mga social media provider (“Provider”); ibig sabihin ay ang Facebook, Instagram, Twitter, LinkedIn, Google+, at Youtube. Kapag bumisita ka sa isang page sa pamamagitan ng pag-click sa naturang plugin, kokonekta ang iyong browser sa kaukulang server ng social media. Kasabay nito, malalaman ng Provider na bumisita ka sa aming website bago ka pumunta sa site ng social media. Kung nakarehistro ka at nag-log in ka sa kaugnay na Provider, maaari ding mai-link ang iyong pagbisita sa user account mo. Sa pangkalahatan, hindi nagbibigay ang mga Provider ng partikular na impormasyon tungkol sa kung aling data ang ipinapadala sa paggamit ng kanilang mga social plugin. Samakatuwid, wala kaming malinaw na kakayahang ma-verify ang content at saklaw ng ipinapadalang data o paggamit sa mga ito ng naturang mga Provider. Para sa higit pang impormasyon tungkol dito, mangyaring sumangguni sa mga napagkasunduan sa proteksyon ng data ng kaugnay na Provider. Kung ayaw mong mangolekta ang Provider ng data tungkol sa iyo sa pamamagitan ng aming website, mangyaring i-deactivate ang mga plugin sa iyong web browser. Kung gusto mong maiwasan ang pag-link sa anumang kasalukuyang user account, dapat kang mag-log out sa web page ng social media bago ka bumisita sa aming website.
MGA LINK SA THIRD PARTY
Nalalapat lang ang Patakarang ito sa paggamit ng website na ito. Maaaring magbigay kami sa iyo ng mga link sa mga third party na website na posibleng kinaiinteresan mo. Gayunpaman, pakitandaang hindi mananagot ang Sonova para sa content at availability ng mga naturang website at hindi nito magagarantiya ang mga kagawian sa privacy ng mga naturang website.
MAKIPAG-UGNAYAN SA AMIN
Para sa anumang tanong, komento, o alalahanin tungkol sa Patakarang ito, o para magamit ang iyong mga karapatan sa privacy na pinahihintulutan ng nalalapat na batas na nauugnay sa Personal na Data, mangyaring makipag-ugnayan sa aming Data Protection Officer sa sumusunod na e-mail address: privacy@sonova.com.
Valid mula: Pebrero 2022