Pundasyon ng HANSATON
Itinatag ni Rudolf G. E. Fischer ang kumpanya noong 1957 at ipinakilala ang mga advanced na hearing aid ng isang American manufacturer sa market sa Germany.
Gusto naming makipagtulungan sa iyo para ibahagi ang aming mga disenyo at inobasyon sa buong mundo, para mas maraming tao ang makakaranas ng kasiyahan sa pagkakaroon ng pandinig.
Ang kagustuhan namin ay makahanap ang lahat ng taong nangangailangan nito ng mga hearing aid na masusuot nang komportable – nang pisikal at sa pakikipaghalubilo. Gusto naming makipagtulungan sa mga propesyonal sa pangangalaga ng pandinig na katulad namin ng pananaw para makamit ang layuning ito. Ang aming mga natatanging hearing aid, at ang lahat ng inihahatid kasama ng mga ito, ay idinisenyo habang iniisip ang layuning ito – para matulungan kang matagumpay na matugunan ang mga pangangilangan ng iyong mga kliyente.
Mahusay na disenyo ang nagtatagpo ng kahanga-hangang ganda at natatanging gamit. Ang Hansaton ay nagsisikap na lumikha ng magagandang disenyo upang madaling magamit ng iyong mga kliyente ang kanilang mga hearing aid at maipagmalaki nila ito. GGusto naming wakasan ang kahihiyan tungkol sa mga hearing aid – sa buong mundo.
Ang mga hearing aid ng Hansaton ay makukuha sa mahigit 60 bansa sa anim na kontinente. Buong pagmamalaki naming pinagsasama ang aming mayamang pamana ng Aleman sa kahusayan ng Sonova upang makapaghatid ng mga natatanging solusyon sa aming mga kasosyo at kliyente sa buong mundo.
Sa Hansaton, ang aming matinding interes ay ang pakikipagtulungan sa mga propesyonal
sa pangangalaga ng pandinig upang suportahan ang bawat nangangailangan ng mga hearing aid. Magkasama, bumubuo tayo ng isang samahang nakaugat sa tiwala, inobasyon, at pinagbahaging dedikasyon.
Itinatag ni Rudolf G. E. Fischer ang kumpanya noong 1957 at ipinakilala ang mga advanced na hearing aid ng isang American manufacturer sa market sa Germany.
Nagsimula ang departamento ng paggawa na na-set up ni Uwe Fischer na gumawa ng sarili nitong mga hearing aid, na nagsimulang nagpakita ng pilosopiya ng HANSATON sa natatanging paraan.
Pagkatapos makumpleto ang kanyang mga pag-aaral sa engineering, sumali si Andreas Fischer sa negosyo ng pamilya bilang operations manager. Sumunod si Johannes Fischer pagkalipas ng ilang taon at pinamahalaan ang pagpapalawak ng sales network sa buong mundo.
Upang mapatatag ang brand ng HANSATON at suportahan ang mga ambisyon sa paglago, nagsimula ang HANSATON ng madiskarteng pakikipagsosyo sa Sonova. Noong 2019, ganap na naging integrated ang HANSATON upang gamitin ang mga makabagong teknolohiya ng Sonova.