Tungkol sa Amin

Ang Pagbibigay ng Pandinig ang aming Kagustuhan

Sa HANSATON, hinihimok kami ng aming kagustuhan para sa mga tao, disensyo, at inobasyon. Ibinabahagi namin ang kagustuhang ito sa pamamagitan ng aming mga makabagong produkto at serbisyo ng HANSATON.



Pagtuon sa iyo

Ang layunin namin ay makahanap ang lahat ng taong nangangailangan nito ng mga hearing aid na masusuot nang komportable – nang pisikal at sa pakikipaghalubilo.

Inobatibo mula pa noon

Mula pa noong 1957, gumagawa ang Hansaton ng makabago at de-kalidad na solusyon sa pandinig upang mapabuti ang iyong pang-araw-araw na buhay. 


Disenyong may layunin

Pinagpapares ng magandang disenyo ang kapansin-pansing kagandahan at namumukod-tanging functionality.

Nagsisikap ang HANSATON na gumawa ng magagandang disenyo para madaling magagamit ng aming mga kliyente ang kanilang mga hearing aid at maipagmalaki nila ang mga ito.


Pinagkakatiwalaang legasiya, pandaigdigang pag-abot

Available ang mga hearing aid ng Hansaton sa mahigit 60 bansa sa anim na kontinente. Ipinagmamalaki naming pinagsasama ang aming mayamang pamanang German at ang kadalubhasaan ng Sonova upang makapaghatid ng natatanging mga solusyon sa aming mga ka-partner at kliyente sa buong mundo.

Pundasyon ng HANSATON

Itinatag ni Rudolf G. E. Fischer ang kumpanya noong 1957 at ipinakilala ang mga advanced na hearing aid ng isang American manufacturer sa market sa Germany.

Mga unang hearing aid ng HANSATON

Nagsimula ang departamento ng paggawa na na-set up ni Uwe Fischer na gumawa ng sarili nitong mga hearing aid, na nagsimulang nagpakita ng pilosopiya ng HANSATON sa natatanging paraan.

Pangatlong henerasyong tradisyon ng pamilya

Pagkatapos makumpleto ang kanyang mga pag-aaral sa engineering, sumali si Andreas Fischer sa negosyo ng pamilya bilang operations manager. Sumunod si Johannes Fischer pagkalipas ng ilang taon at pinamahalaan ang pagpapalawak ng sales network sa buong mundo.

Sonova

Upang mapatatag ang brand ng HANSATON at suportahan ang mga ambisyon sa paglago, nagsimula ang HANSATON ng madiskarteng pakikipagsosyo sa Sonova. Noong 2019, ganap na naging integrated ang HANSATON upang gamitin ang mga makabagong teknolohiya ng Sonova.